Friday, October 24, 2014

insomiac = zombiemode


Do you ever had those nights na sleepless na, useless pa? yung tipong wala ka namang ginagawa. Nakatunganga ka lang habang nakahiga? nag-iisip ng malalim. Binabalikan yung mga nangyari sa araw na yun.

Yung kahit pikit na pikit na yung mata mo, pero ayaw pa ding magpahinga ng utak mo. Yung mga nakalimutan mong ideas nung umaga, bumalik lahat nung gusto mo ng magpahinga. Punyeta diba?

Yung eyebags mo, daig pa presyo ng prada pag binenta. Yung dark under-eye-circle mo umabot na sa pisngi mo. Yung di ka na makadilat kasi sabog na yung mata mo. Yung ang pula na ng mata. Parang gago lang.

Okay lang mapuyat e. kung may ginagawa or may pinagkakaablahan. yung tipong, cramming ka sa project, kaya ka nagpupuyat. Ayon! Reasonable pa yun. Okay din yung magpupupuyat ka kasi nanonood ka ng porn, este ng movies. O kaya katext mo sibabeo kaya kahit anong ginagawa mo. Basta may ginagawa ka, sige go magpuyat ka! Pero yung nakahiga ka lang, gusto mo ng matulog pero di ka makatulog. Nakatunganga ka lang naman. Staring at the blank ceiling. Talking to yourself. Thinking about the things you think you shouldve done this morning. Thinking about possibilities and what ifs. Yung kung kelan dapat tulog ka na, dun pumapasok sa utak mo yung mga bright ideas like pag aayos ng ganto, pag hanap sa ganyan. Parang tanga diba? Yung sa gabi ka matalino. Yung sa gabi ka mautak. Parang tanga nga talaga! Tapos maririnig mo pa yung mga hilik nila, maiinggit ka nalang e. na buti pa sila, nananginip na habang tulog, pero ikaw, nananaginip ng gising at mulat. (0_0)

And di lang yun. Once na naumpisahan ka ng late matulog, tuloy tuloy na yan. Tapos ang hirap na bumalik sa dating sleeping habits mo. Adjust na naman. Josko.
And the worst part? May palatandaan pa na puyat ka. Ano? edi yun ngang eyebags/darkcircle mo. Ang peg mo ngayon is, conceal dont feel dont let them know..sana ganun lang kadali yun. Pero hindi e. mahirap! Muka kang zombieng tuyot. Hahaha.


Ang point ko lang naman dito is, anong ginagawa mo para makatulog ka agad sa gabi? Share mo naman sakin. hahahaha

No comments:

Post a Comment