Apologizing.
The Hardest and scariest thing for me. Especially the
sincere ones.
Why? I’m the kind of person kasi na ma pride
tsaka mapagmataas. Hindi ako ma reach-out na tao e. and for me, apologizing and
saying sorry is the hardest, scariest and
challenging thing to do. Lalo na pag alam mong ikaw yung mali.
Ako din kasi yung tipo ng tao na,
aminado sa mga pagkakamali at kayang mag handle ng kasalanan.
I always say sorry for fun. Yun bang
pag nakasakit ako physically, mag sosorry ako agad in pacute way. Iha-hug ko
yung nasaktan ko, hahawakan ko yung part na sinaktan ko sakanya while saying
sorry.
For me, forgiving is easy. Easy as
1-2-3. I just need to think about it first, iisipin ko kung kaya kko bang
patawarin tong taong to agad o palipas muna ko kahit ilang oras o araw. I also
need to accept muna the fact na ginawa or sinabi nya sakin yung isang bagay
para ma forgive ko sya. That’s the key of forgiving..
accepting things.
Pero kung babaliktarin naman. Na ako
yung magsosorry, tapos emotional impact sya, duwag ako. Yap. I said it. I’m a coward when it comes to apologizing. Dito, aabutin ako ng
siyam siyam bago ako magkaroon ng lakas ng loob para mag sorry. (apologizing= 1 week and/or up | forgiving= days-hours)
kung san muna ko huhugot
ng guts para nga mag sorry. I have stages e.
might as well, put it
down..
1. Denial. Iisipin
ko, “no. hindi ako yung mali or may mali or may
kasalanan. So no. I won’t apologize.
2-3. Rewind/realization. Iisipin
ko maigi yung nangyari. Dun ko marirealize na ako nga yung may mali.
3.
Conscience. Uusigin
na ko ng konsensya ko. Tatakutin ko yung sarili ko. (e.g. baka last day nya na/mo na di pa ko nagsosorry)
4.
Spy. Titignan
ko muna if anong ginagawa nya pag gantong oras, asan sya sa gantong oras.
5.
Getting
guts. Ayan na, maghahanap na ko ng lakas ng loob. Iisipin
ko na yung pinagsamahan namin, those times na Masaya kami together and such.
6.
Self-assurance. It’s like “nikki,
isang beses lang. pag ni reject ka. That’s it. You’re done. Isang beses ka lang
mapapahiya. Isang beses lang.”
7.
Timing. Syempre
ayaw ko naman na andaming audience pag mag sosorry ako diba? Kasi more
audience/witness more sulsol, more hiya. Tsaka pag kami lang dalawa, masasabi ko
lahat. Makakapagsorry ako ng sincere kasi kaming dalawa lang, di ako mahihiyang
magsalita kasi wala namang nanonood.
8.
Acceptance. I
will Accept all his/her response. Pag nagsalita sya, I will let him/her. Hahayaan
kong sabihin nya yung hinanakit nya sakin and baka mag sorry din sya!
9.
Crying
galore. Stage number 8 palang, baka
umiiyak ka na. ako pala. Akin pala to. Oo umiiyak ako. Iyakin ako. Iiyak talaga
ko para maawa sya at iforgive nya ko. Hahaha joke lang. crying helps me loosen
up and let go of my inner feelings.
10. Hugs/pecks on cheeks. Pag
Tinanggap nya yung sorry ko, I will hug him/her. That’s my way
of saying thankyou for accepting my apology.
11.
Payback
time. Dito na papasok yung mananakit ako kasi sa sobrang
tuwa ko na okay na kami. Which can lead to another pain for him/her so i will repeat the 10 steps again. -_-
Emotional pain is much worse than physical pain. Kasi
yung pasa, sugat and such, scar lang sa balat yung maiiwan. But emotional pain,
sa puso diretso nyan. Mas masakit yan and mahirap malimutan yan. (HUGOT! HAHAHA)
It’s never too late to apologize. People who needs to
apologize also need to have time to think the best way to say sorry too. Meaning,
kung ang taong nasaktan, kailangan bigyan muna ng time to heal, yung taong
nanakit, kailangan din mag-isip at para marealize nya na sya ang dapat gumawa
ng way para mag kayos sila.
Walang mawawala sayo kung susubukan mong mag
reach-out lalo na’t ikaw yung mali.
(lamat lang sa pride, but who needs pride kung
friendship or relationship naman ang masesave kung ibaba mo sya diba?)
Sabi nga nila,
“ang pride ay parang panty, walang
mangyayari kung di mo ibababa.”
Hahahahahahah!
No comments:
Post a Comment