Introduction!
Regular o irregular? Monthly ba, dinadalaw ka nya? Same
week? If so, regular kang may dalaw. Buti ka pa. normal. Hahaha. Ako kasi,
depende sa kanya. Minsan ata busy sya. Nakakalimutan nyang dumalaw sa isang
buwan, minsan nasarapan ata sa bakasyon, 2 months akong walang balita sakanya.
HEPP!! Di ako buntis. Sadyang irregular lang talaga ang pagdalaw nya. Pero there
was a time na more tahn half a year ko syang kapiling. Hindi sya basta, weekly lang
every month. No. buong anim na buwan, anjan sya. Imagine? 3o days per month diba?
Times 6? Ilan? Hmm. (calculator muna, wait..) yun, edi 180 days akong meron. Creepy
right? Wait! Intro palang to kaya mamaya ko na yun ikekwento.. pano ka pag
meron ka? Nag kaka-cramps ka ba or whatsoever? Nananakit bang bonggang bongga
yang puson o kaya pa naman? Nasubukan mo na bang magtatatalon para lang lumabas
sila agad ng isang bagsakan lang? na try mo na bang maglagay ng mainit na tubig
sa bote ng ketchup tsaka mo ilalagay sa puson mo? E yung suntukin yung puson mo
at magdrama? Ako? Lahat ng pwedeng gawin mawala lang yung sakit ng puson at
umalis sya agad e ginawa ko na.
Abnormality!
(my not normal experience)
Game. Eto ang kwento. It happened years ago. Maybe two
or three years ago. More than six months akong “meron”. walang tigil. Walang pahinga. Konti konti
lang naman pero enough to fill up my sanitary pad. Taena. Ilang napkin din
ginamot ko nun! Every day, 2-3 pads yung nagagamit ko, tapos 180 days pa.
pasabog diba? Buti mura lang yung holy grail pads ko. Ano? Hindi modess, hindi
charmee (minsan lang) at hindi din whisper (minsan whisper overnight pad kasi
ayoko matagusan). Ang napkin ko? “those days”. Super mura!
hahahaA! Okay back to the kwento, yun nga. First 2 months palang, nabother na
ko. Syempre naman, 2 buong buwan kang meron, di ka ba matatakot nun? Pero sinarili
ko muna yun. Sabi ko baka pahabol lang. pero naisip ko din, grabe naming pahabol
yun. Habol na habol! Hahaha. Nung 3 months na, sinabi ko na sa kanila
(parents). Mag pa check-up na daw ako. Then yun, nagpacheck up ako. Hindi sa
ospital. Sa ob-gyn. Yung mga mata nung taong nandun parang tanga. Ang sarap
sabihin sakanila na “hindi.ako.juntis”. parang tanga yung mga mata. Mahahalata
mong jinajudge ka nila agad porke dun ka pupunta. Duh. Babaw. Anyway, back to
the kwento uli, dun, the doctor found out na may bukol yung ovaries ko. Which may
lead to cancer if di pa huminto yung pag produce ko ng dugo. Reaksyon ko? Naggulat
syempre. Naiyak. Hahaha. Tapos nagwala sa clinic. Hahah kems. Pero umiyak ako
nun. Syempre naman diba. Pero sabi naman ni doc, kelangan ko lang ng gamot to
stop the bleeding and mawala yung bukol and dapat daw every month akong
magpapacheck-up to monitor the bukol. Yes, bumili kami ng gamot na reseta nya. And
saging para sa iron. Pero yung follow up checkup? Hindi na. hahaha. Nakakadala e.
tsaka mahal ang t.f ni doc. Hihihi. Ang sunod naming pinuntahan is albularyo. Dun
suki ako. Ang findings naman dun, nanuno daw ako. (may naihian daw ako bla bla
bla) naisip ko baka tama nga, mahilig kasi ko umihi kahit saan dati. Lalo na sa
likod ng bahay namin na malupa pa. maraming element0 dun e. so baka tama nga,
nagpatawas na din ako para kontrahin nga yung nakabati sakin or whatever. After
naman nun, huminto na yung mens ko or kung mens nga ba tawag dun o simpleng
bleeding lang. ewan. Basta nawala. Di ko lang alam kung dahil sa gamot o sa
tawas? Nevertheless, nawala na sya. Hahahaha.
That feeling!
So diba nga pag may regla ka, mainit ulo mo. totoo naman. In my case, totoo talaga knowing lagi naman akong irritable. Depende na
din siguro yan sayo or sa paligid. Super uneasy kaya pag meron ka. Yung pag-upo
mo, iisipin mo since ayaw mo namang matagusan. Pati pag higa mo may limit para
wala ngang stain. Tsaka kaya siguro mainit ulo mo kasi di ka nga komportable. May
lumalabas sayong dugo, sino sasaya dun? (meron naman, yung mga kakasex palang pero
ayaw mabuntis, kaya ang saya nila pag nagkadalaw sila. Hahahaha joke!) ano pa?
basta, nakakainis nga pag meron ka! Girls will understand.
Tagos/stains!
Sino pa kayang babae yung never pang natagusan? Ay bongga
ka te! Pero feeling ko naman, naexperience naman ng lahat ng nagkaron na yung
ganto. Kaso yung iba, tagos kung tagos. Daig pa umihi sa short. Hahaha ew! (luh
arte) meron din namang simpleng stain lang. kakaupo or baka puno sa yung pad. Pero
don’t be
embarrassed. Normal yan girl! Ang hindi ormal is yung alam mo ng may tagos ka,
di ka pa din nagpapalit. Kababuyan yan te!
Cramps/pain!
“ang sakit ng puson kooooooo! Mamamatay na ata
akoooooo! Ayoko naaaaaa! Wala na kong dugoooooooo!” and
pooof! The best actress award goes to.. sayo! Hahaha. That feeling na sobrang
sakit ng puson mo, sinusuntok mo na sya, kinakausap mo pa. iiyak ka pa.
isusumpa mo pa. hahaha. Sa sobrang sakit baka ayaw mo ng maging babae. Sa sobrang
sakit baka naisip mo din na sana nag buntis ka nalang atleast 9 months kang
free from dymenorrhea. Gago. Masakit din daw manganak. Hahahaha. Pero shout all
you want, drama all you want and cry all you want if that’s what
will make you feel better. Tip lang, if masakit talaga yung puson mo, wag mong
idaan sa gamut. Magpainit ka ng tubig. Ilagay mo sa bote ng ketchup o bote ng
gin. tas Ilagay mo sa tyan mo. Effective yan. Promise.
You’re a girl!
Girls are strong. Strong enough to feel pain every
month. Having a menstruation means you’re not preggy and you’re clean
kasi nalalabas mo yung dumi ng katawan mo pag nag poproduce ka ng blood. It’s normal. You’re a girl.
dysmenorrhea is normal. Stains are normal. Being regular or irregular when it
comes to having period is normal. Iba iba tayo e. tsaka iba iba ang body system
natin. Ang di lang naman normal is yung nangyari sakin e. yung ilang buwan
meron. If ever mangyari sayo yun, go see your doctor. Mabuti ng maagap diba?
ikaw? anong mga eksena mo pag meron ka? o nagkaron ka na ba? share mo naman. hahaha
ikaw? anong mga eksena mo pag meron ka? o nagkaron ka na ba? share mo naman. hahaha
No comments:
Post a Comment