Friday, October 24, 2014

Your future Flight Attendant

Dream profession? To Be a flight stewardess.

Im a college student. Taking up bachelor of science in tourism management. 2nd year. 2nd sem. I have good grades naman. (Ano pa ba?) So far so good naman yung studies ko. Okay naman ako sa mga subjects ko. Namimeet ko naman yung expectation sakin ng mga instructors ko (I think? Haha!) and yung expectations ko sa sarili ko.

Ang problema nga lang, yung insecurities ko. (insert dramatic sounds here)
We all know naman na may physical requirements ang pagiging flight attendant/stewardes diba? (di mo alam? Luh!) Una na jan yung height requirement which is bagsak agad ako. L Im just 5 flat te. Maliit, pandak, short. Ano pa? basta! Bagsak.
Naisip ko naman yan bago ko piliin na itake ang tourism management, (4th year high school) pero pinush ko pa din kasi, sabi ko, baka tumangkad pa ko kahit papano. But I never try drinking height-increasing capsules or magtatatalon pag new year ever since (di naman ako naniniwala sa ganun eh.). And isa ako sa matatangkad nung high school. Lagi akong nasa likod everytime pinapa fall in line kame na according sa height (o maliliit lang talaga yung mga kaklase ko nung 4th year?) and Kasi I was contented with my height before, pero naging conscious ako sa height ko nung 1st year college na ko. Antatangkad nung mga blockmates ko kumpara sakin. Yap. Literal akong nanliit. Pero di ko pinahalata sa kanila na affected ako pag nababanggit yung height requirement na yan. Sabi ko, wala sa height yan! Sa itsura yan at sa utak. (Hahaha bayabas potek, e bagsak din naman sa dalawang yan. Hahahaha yun lang. -_-) di ako nag paapekto. Go pa rin.

But then I came to the point na parang, ayaw ko na. gusto ko na mag shift. Gusto ko nalang mag iba ng pangarap (lalim! Pangarap! Hahaha) sabi ko sa sarili ko, hala, baka mali ako ng piniling course.. sabay iyak. Syempre umiyak ako nung time na yun kasi sayang naman diba? Masasayang lang pala Yung effort, yung oras tsaka pera kung ipupull ko to. Kaya kahit ang yabang sa inyo, pinush ko yung wala sa height yan, sa itsura at utak yan attitude. Kasi dun lang ako kumapit nung time na down na down ako dahil dito. Kahit di naman totoo, yun yung pinanghawakan ko. Yun nalang yung inisip ko. Tsaka naisip ko din talaga yung effort ko nun. Kasi tutok talaga ko nun sa pag-aaral. (1st year) talagang nagsunog ako ng kilay nun. And talagang super grade-conscious ako nun. Tapos masasayang lang dahil na depress ako sa punyetang height-height-requirement nay an? Pati yung oras. Sayang. (1st year, 2nd sem ako nagdrama about dito e) sayang yung half year kung sakali. Kung uulit ako, ayoko. Ayoko maging repeater. Ayoko din maging irregular. Ayoko mapag iwanan. Ayoko magsayang ng oras. Pati na din syempre, icoconsider mo yung ginastos ng nagpapaaral sayo diba? Kahit sabihin natin mura yung tuition (by the way, namention ko na bang sa University of Rizal System ako nag-aaral? Kung hindi pa, eto. Yes. Proud to be ursacian to mem!) sa ursac, 4k every sem. Sayang pa din diba? 4k din yun mem! Hindi yung pinupulot lang. kaya sayang talaga. Plus scholar pa ko, once na mag shift ako, mapuputol yung scholarship. Kaya talagang SAYANG!. Kaya push na to. Push na push. Mag te-10 inches heels nalang ako pag nasa eroplano na ko para tumambalelong ako pag umaandar na yung eroplano. Hahahaha.
De! Kaya ko to. Wala sa height yan. Sa paraparaan yan. Aakitin ko yung hr ng mga airline companies para kunin ako. Hahaha! Kems! Basta. Kaya ko yan. Kakayanin.

Kung di naman papalarin maging flight attendant (wag naman sana, gusto ko talaga f.a e! huhuuhuhuh) may ibang options pa naman. Sa airline din. Wala na yung height requirements. Pwedeng pilot (hahahahaha baka naman), ground attendant (parang flight attendant, pero sa airport vicinities lang imbes na sa loob ng eroplano ka magtatatayo), management trainee, revenue management, sa marketing/sales (which I doubt, bobo kaya ko sa math, hello!?), ticketing (pwede, para kang naglalaro ng teks, lalawayan mo yung thumb mo para dumikit yung ticket hahaha korni letse), administrative assistant and human resource (bawal ako dito, bias ako e hahaha), pwede din sa cruise. Kaso di ako marunong lumangoy. Teka, dir in naman ko marunong lumipad ah. so Bawal talaga ko maging flight attendant? Nak nang! Hahaha!

1 comment: